CATZILLA: Lost Footage of Angel Re-Discovered (My Cat Who Died Recently)

Ito si Angel, photo taken 7 January 2021, 6:27AM
 





02 March 2022


Minamadali ko mag edit ngayong araw ang video demo para sa Yongnuo YN-216. Isang taon na ito nasa akin at nagbabawas ako ng files sa laptop. Habang nag-eedit ng video with Sony Vegas Pro ay napansin ko itong maikling video clip kasama si Angel, na nasa folder kasama ang Yongnuo. Hindi ko ito nakita sa folder ni Angel at matagal nang nawawala. Ang kwento tungkol sa short video clip na ito ay gumagawa ako ng photoshoot ni Pepper black (ang nagiisang anak ni Angel) at the time, nang bigla nag gatecrash si Angel sa session. 


Kung ayaw mag play ang video, panoorin na lang

dito sa  YouTube: https://youtu.be/LV4Q1GDaE2k


Filmed 9 January 2021

Saturday, 2:34AM

FUJIFILM X-T10

Meike 35mm f/1.7

Yongnuo YN-216

========================================

Sino Si ANGEL

Si Angel (ang grey tabby cat sa video) ay isang rescue kitten na dumating sa buhay namin noong ika-26 ng September 2018. Si papa ay nagkaroon ng stroke dalawang araw mula dumating si Angel. Siya ang pinakasweet na pusa namin (halos lahat sila sweet, except si Kofi na maldita parang tigre).


Kaka celebrate lang ng third anniversary niya noong September 2021. Three weeks later, isang linggo siya matamlay at 24 hours ko binabantayan. Nagkaroon ng convulsion si Angel noong 11:25AM, ika-23 ng Oktubre 2021 (Saturday). Si Angel ay inilibing ko sa pot ng rose, si Tiger naman ay nakalibing sa pot ng sampaguita. Magkatabi silang dalawa at dinadalaw ko araw-araw, parang nandito pa rin sila somehow.


It isn't a special day today when I wrote this post, Angel and Tiger. But I really miss you! T_T


========================================

About the Background Music

"Nichiyoubi/Sunday" by DEEN


Do you know what makes me cry about the video? The music playing in the background is called 'Nichiyoubi' or 'Sunday' by Japanese singer Deen. The lyrics really play out well and express my solemn mood of losing Angel. The video clip captures the first stanza and chorus of the song. The video ends with the singer saying: "It isn't a special day today but for some reason, I miss you."


"Bathing in distant light 

by the banks of the river far and wide,

children's laughter is gentle on the heart.

Like a whiff of wind,

I feel the joy of living as I gaze up the sky.

No need for the past and the future

on a Sunday noon."


"Precious things I'm beginning to forget

are slowly revived.

The verdant winds blow past,

warmly surrounding me.

It isn't a special day

but for some reason,

I miss you."


https://lyricsfromanime.com/anime/dragonball-gt/nichiyoubi


========================================

Photos of Angel


26 September 2018, first day ni Angel sa bahay.
Nagrereklamo si Luna.







2 December 2019, 7:52PM
May mga cuttings ako ng plumeria na pinapatuyo sa kwarto.
Ganito ang arrangement ginawa ko, with a space in the middle.
As I was about to take a picture, bigla nag pwesto dito si Angel.



12 October 2021, 12:38AM
Palagi magkatabi nang ganito ang mag-ina si Angel and Pepper.
Ito ang huling larawan na magkasama sila bago magkasakit si Angel.

21 October 2021, 12:01AM
Ito ang pinaka huling beses magkasama ang magina sa photos.
By this time may sakit na si Angel.
Dalawang araw na lang ang taning bago siya mamaalam.

23 October 2021, 11:55AM (Saturday)
Nasa apat na oras lang tulog ko. By the time gumising ako, ang naabutan ko ay nagsimula nang magkaroon ng violent convulsion si Angel mula 11:25AM at pumanaw agad. By this time nagsisimula na tumigas katawan niya at ibababa ko na siya agad para ilibing sa pot of rose. Gusto ko sana patagalin pa bago siya ilibing para makita ko pa siya, pero farewell na talaga. 



========================================

Photo Album ni Angel

https://photos.app.goo.gl/XYM4g6snWgzx2XRn9


========================================

Videos of Angel

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ginagawa ang compilation video niya mula Day 1 dahil sa trauma at iniiwasan ko din panoorin mga videos niya. Sa ngayon ay mga short clips lang na-upload ko sa YouTube. I will update this post again kapag nagawa na. 


Welcome to your new home, Angel!

Kung Fu Cat Angel

Luna and Angel trying to annoy each other

Angel sliding with the platter

Angel playing chase with my hand

Angel and Luna playing chase

Angel and Luna react to cat video

Angel and Luna sleeping together on the furniture

Angel sleeping peacefully (2018, at 4 months)

Angel sleeping peacefully (2019)

Angel babysitting Paprika, another rescue cat

Angel doing naughty stuff with her house mates

Angel being sweet with Pepper (before Pepper got sick)

Pepper licking mother Angel but being rejected

Pepper being bad and attacking mother Angel

Final video of Angel, already very sick

========================================

Photo Journal for January 2021

"Yongnuo YN-216"


Bumili ako ng bagong lighting for videos and photography noong December 2020. Ito ang Yongnuo YN-216 Video Light. Ang goal ko noong mga buwan afterward ay gawan ng demo shots itong Yongnuo. Naisip ko na idugtong dito sa post ni Angel ang photo journal para magkaroon ng context and history sa inyong pananaw; as seen from my vivid memories.




Ika-2 ng Enero 2021, 10:05PM

"Queen of the Night"

Ito ang unang photos ko para sa taong 2021.




Ito si Angel, ika-7 ng Enero 2021, 6:27AM

"Mona Lisa Angel"

FUJIFILM X-T10

Meike 35mm f/1.7 (at f/4)

Normal room lighting lang ang ilaw dito.




Ika-9 ng Enero 2021, 1:39AM

Itong araw, ginawa ko ang video unboxing para sa Yongnuo YN-216




Ika-9 ng Enero 2021

Ito si Kofi, 12:39AM




Ika-9 ng Enero 2021, 2:36AM

This was a minute after I shot the video clips.

Ito si Pepper, anak ni Angel




Ika-9 ng Enero 2021, 7:44PM

"Jolly Cats"

May tatlong magkapatid na stray cats na inaalagaan sa Jolly Life Bakery (formerly Long Life Bakery). Nakilala ko sila since mid-2020. Nasagasaann daw ang isa sa kanila, the other was adopted. Siya ang nagiisang naiwan at the time at palagi ko dinadalaw kapag nadaan ako doon. Ito ang sleeping spot niya.




Ika-9 ng Enero 2021, 8:12PM

Fragrant plumeria flowers blooming for the first time at the park.





Ika-20 ng Enero 2021, 2:03AM

"Farewell Jolly Cat"

Kakatapos ko lang mag document ng plumeria flowers sa Amoranto Park. Dinalaw ko siya afterward. Ito ang huling beses na nakita ko siya. Malaki na siya and at the time naghahanap na ng mate. Siguro ay may nag adopt na sa kanya. Hanggang ngayon ay iniisip ko na sana walang masama nangyare sa kanya. Balita ko may nangunguha ng mga alaga sa area. May kakilala ako na old homeless man sa park, ninakaw daw ang alagang aso niya at ibebenta pangkatay, sabi ng mga witness sa kanya. Haynako, bad... nasan ka man ngayon sana okay ka my friend. I miss you.





Ika-22 ng Enero 2021, 5:30AM

"Fragrant Yellow Plumeria Flowers"




Ika-26 ng Enero 2021, 9:27AM

"Jerry Orange Cat"

Ito ang anak ni Fiona, si Jerry. Inaalagaan namin pero gumagala lang siya. Isang umaga, nakita ko siya sa tapat ng bahay namin nakaupo diyan. Nagkataon na dala ko ang camera ko at panay ang tingin niya sa akin, parang humuhiling na kunan ko ng larawan. So ito, pinagbigyan ko. Si Jerry, mula mid-2021 ay hindi na umuuwe sa amin. Pero alam ko ang tambayan niya nearby, may sarili na siyang pamilya and group of friends, pero hindi niya ako nakakalimutan at palagi sinasalubong with warm greetings.







Ika-26 ng Enero 2021, 12:08PM

"Binge Eating"

May mga panahon talaga na nagiging destructive at erratic ako kapag nagkakaroon ng extreme anxiety attacks or to the point na medyo nababaliw ako. Bihira lang ako uminom ng soda, nasa twice a year ang average noon. Mula 2019 nagiging madalas ang paglaklak ko ng 1.5 litro since it was a very stressful year, may PTSD ako (frequent flashbacks, extreme anxiety attacks, etc).




Ika-27 ng Enero 2021, 6:45PM

"Fragrant Yellow Plumeria Flowers"

Used with Yongnuo YN-216. This is natural lighting, walang edited effects.




Ika-29 ng Enero 2021, 6:06PM

"Male Ginger Cat at the Park"

Dalawang beses ko lang nakita itong oranga na pusa sa Amoranto Park. Ito ang huling beses. Sana okay lang siya. Itong Enero 2022 nakita ko may mabait na babae nagaalaga ng mga pusa doon, sana sa kanya napunta. Labis ang aking pagalala kapag may nakikita akong pusa sa park, alam ko it can be a dangerous place for them, lalo mga busy roads nearby.




Ika-30 ng Enero 2021, 1:06PM

"Cat Medications"

Taong 2020, naging sakitin si Luna. Nagsimula sa malamig na aircon at ilang besess siya nagkaroon ng pneumonia noong taon na iyan. Natakot ako dahil hindi siya kumakain at mabilis mag progress into liver damage on the third day. Lahat ng siyasat ginawa ko at noong September 2020 ay bumalik na rin sa wakas ang kalusugan niya. Hindi na siya nagkasakit ulit after that pero anim na buwan bago mawala yung jaundice niya. Ito ang isa sa mga binili ko to aid his recovery.


# # # E N D # # #


0 comments:

Post a Comment

Hello, if you will leave a comment on my post, kindly DO NOT insert any links. It will be deleted immediately.