LIPS: Revlon Super Lustrous Lipstick (Smoky Rose, Love That Pink, Mink)

Revlon Super Lustrous Lipstick (Smoky Rose, Love That Pink, Mink)
Revlon Super Lustrous Lipstick (Smoky Rose, Love That Pink, Mink)




2013.03.06 - First published
2020.01.01 - Re-written from scratch



Revlon Super Lustrous Lipstick

Retail: PhP 450.00 (2013)
SPF: None
Scent: Slightly Nutty
Texture: Pearl or Creamy
Net Weight: 4.2 grams
Made in USA


May mga nakita akong magaganda na kulay ng lipstick mula sa Revlon noong Hulyo ng 2012 -- ito ay ang Mink, Smoky Rose, at ang Love That Pink. Ang mga lipstick na ito ay may nutty na amoy at nagustuhan ko dahil dito.

Iba-iba ang mga texture bawat kulay nito. Halimbawa, maaaring creamy moist na may gloss (Mink at Love That Pink), o maaring creamy smooth na pearly (Smoky Rose). Ito ay may mga sangkap tulad ng Vitamin C at E, extract mula sa dahon ng halmang Aloe Barbadensis, at silk powder. Tama lang ang pagiging smooth as silkiness nito, hindi ito sobrang lambot na buttery at madaling matunaw.

Maganda ang performance ng mga lipstick na ito. Maganda ang coverage at opacity, at tumatagal ito buong araw. Nahirapan lang talaga ako pumili ng kulay dahil sa dami ng mga kulay na mayroon sila. Kaya nabili ako ng mga nudes na 'Mink' (deep true chocolate color, no reddish tone) at 'Smoky Rose' (mas matingkad na bersyon ng Mink at may halong pearly finish), na kinahilig ko nang mga panahon na iyon. Ang 'Love That Pink' (coral-pink) naman ay niregalo sa akin ng kaibigan ko.

May pagkamahalan nga sa mall, pero sulit naman ang mga nabili ko. Pinakapaborito ko sa lahat ang Mink, sunod ng Smoky Rose.

Revlon Super Lustrous Lipstick

Revlon Super Lustrous Lipstick

# # # E N D # # #